top of page

DATING PULIS, ARESTADO SA BUYBUST OPERATION NG PNP SA COTABATO CITY; ILIGAL NA DROGA NASAMSAM!

KRISTINE CARZO | INEWS| IMINDSPH


Cotabato city, Philippines - Hindi na nakapag-salita pa ang isang dating pulis matapos na mahuli dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Cotabato City.


Pasado alas nuebe umaga, araw ng lunes, ikinasa ng mga ELEMENTO PNP Station 3 ang buybust operation laban sa dating pulis na kinilala sa pangalang Julkhayr, na residente ng Tamontaka 1 ng Lungsod.


Ayon sa hepe ng PNP Station 3 Police Captain Vincent Howell Wong, magtagal nang sinusubaybayan ang kilos ng suspek bago ikinasa ang operasyon.


Nabili sa suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 1,000 pesos.


Maliban pa sa nabili na iligal na droga nakuha rin sa posisyon nito ang dalawa pang pakete ng pinaghihinalaang shabu na maari ring gamitin bilang ibidensya laban sa kanya.


Nakapiit na ngayon sa selda ng PNP Station 3 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




13 views
bottom of page