top of page

DATING TROPICAL DEPRESSION ISA NG TROPICAL STORM NA MAY INTERNATIONAL NAME NA NANMADOL

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na kaninang 2AM ng umaga ay nag-intensify pa ang Tropical Depression na binabantayan ng PAGASA sa Philippine Area of Responsibility at ito'y ganap na ngayong Tropical Storm na may international name na "Nanmadol."


Huling namataan bagyong Nanmadol sa layong 1,910 kilometers Silangan ng Extreme Northern Luzon.


May lakas ng hangin ito na aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugso naman na aabot sa 80 kilometers per hour.


Kumikilos ang Bagyong Nanmadol sa direksyong Silangan Hilagang Silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.


Posibleng pumasok ang bagyo sa bansa bukas ng gabi o madaling araw ng Biyernes.


At para naman sa ating magiging panahon bukas..


Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 32 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 60% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.

Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 31 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.

22- 32 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 90% ang tsansang uulan.

Sa Zamboanga City, mula 25-30 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.

Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 18-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:34 ng umaga at lulubog 5:44 ng hapon.

5 views
bottom of page