top of page

Dating violent extremists na sumuko, umabot na sa 119

Joy Fernandez | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Iprenisinta ng 1st Mechanized Infantry “MAASAHAN” Brigade ang kanilang mga napagtagumpayan sa nakalipas na limang taon.


Sa isinagawang virtual Anniversary Program inilatag ni 1st Mechanized Brigade Commander, Colonel Pedro C Balisi na umabot na ng 119 former violent extremists ang sumuko na sa kanilang pamunuan at aabot na rin sa 105 na mga armas ang kasamang inisuko at itinurn-over.


Sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga mula sa mga ikinasang joint operation, umabot na sa tatlumpot isa ang naarestong suspek, dalawamput tatlo ang nakumpiskang armas at may kabuuang 13.184 million pesos ang halaga ng mga iligal na drogang nasamsam sa joint operation.


Pinarangalan din ang mga sundalo ng 1st Mechanized Brigade na nagpakita ng husay sa kanilang trabaho. Kinilala rin ng pamunuan at mga local chief executives na naging parte ng kanilang tungkulin.


Tinitiyak naman ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Manguadatu sa armed forces of the philippines na buo ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mandato ng militar at sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa probinsya.


Tema ng ika-limang anibersaryo ngayong taon ay “Limang taong pinatibay na serbisyo at Pinag-isang Lakas na Maaasahan ng Mamamayan ng Maguindanao.”




5 views
bottom of page