DATU MONTAWAL MDRRMO, NAMAHAGI NG MGA RELIEF ASSISTANCE SA MGA NAAPEKTUHAN NG BAHA SA KANILANG BAYAN

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



MAGUINDANAO - Namahagi na ng tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Datu Montawal, Maguindanao sa bawat barangay na nasasakupan nito matapos ang lubhang pagbaha sa lugar.


Ayon kay MDRRMO Officer Bulamol Kadiding, nagpapatuloy ang kanilang survey habang nagbibigay ng mga relief assistances sa mga apektadong residente.


Ayon sa kaniya, kahapon sana ay magsisimula na silang magbigay ng tulong ngunit napilitan nalang ikutin ang bawat baranagay dahil ayaw ng mga residenteng lumikas at pansamantalang iwan ang kani-kanilang mga tahanan.


Samantala, humuhupa na rin ang tubig sa bayan at nagsasagawa na rin ng assessment ang MDRRMO sa bawat barangay.

5 views