top of page

DATU ODIN SINSUAT POLICE, BLANKO PA RIN SA MOTIBO AT SALARIN SA PAMAMASLANG KAY AL HASSAN MAONGCO


Blanko pa rin ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police sa motibo at salarin sa pamamaril-patay kay MAGELCO Institutional Services Department Head, Al Hassan Maongco


Tinutumbok pa rin ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin sa pamamaril-patay sa 47-anyos na Maguindanao Electric Cooperative's Institutional Services Department Head na si Al Hassan Maongco.

Photo Courtesy: Kaka Lhet Mustapha


Binaril si Maongco habang minamaneho nito ang kanyang sasakyan sa diversion road, sa Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, pasado alas dose ng tanghali kahapon.


Mula sa MAGELCO si Maongco at patungo ng Cotabato City nang mangyari ang krimen.


Narekober sa crime scene ang isang bala mula sa caliber 45.

6 views0 comments

Recent Posts

See All