top of page

DATU PAX ALI SANGKI-MANGUDADATU, PRINOKLAMA BILANG BAGONG GUBERNADOR NG LALAWIGAN NG SULTAN KUDARAT

Kael Palapar

SULTAN KUDARAT — Matapos ang isang araw na bilangan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, prinoklama na bilang bagong gubernador ng lalawigan si LAKAS-CMD gubernatorial bet Datu Pax Ali Sangki-Mangudadatu.


Nakakuha si Datu Pax Ali ng 262,119 votes habang 86,640 votes naman ang nakuha ng katunggali nitong dating beauty queen na si Bai Sharifa Akeel-Mangudadatu.


Nanalo rin sa pagkabise gubernador ang kanyang runningmate sa partido na si Raden Sakaluran na may 227,647 votes laban sa katunggali nitong si Bishop Dave Salazar na may 87,846 na boto.


Samantala, hiling naman ng kampo ni Mangudadatu na respetuhin ang desisyon ng korte suprema hingil sa Temporary Restraining Order na inisyu matapos pinaboran ng Commission on Election en banc ang petisyon para sa kanselasyon ng kanyang COC bilang gubernador ng lalawigan.


"As a lawyer, dapat irespeto natin kung ano yung lumabas na temporary restraining order... the same thing na kung ano ang lumalabas in their favor ay nirerespeto namin" Ani Torreña.


Paliwanag ni Torrena, ang TRO na inisyu ay mananatili hangga't maresulba ang isyu.


"The TRO will remain until further notice, it is continuing. Kung umabot man ng ssampung taon, so be it. And maybe after the term has ended." dagdag pa ni Torreña


May 02, 2022 nang ibinasura ng Comelec en banc ang kandidatura ni Datu Pax Ali Sangki-Mangudadatu na inihain ng kampo ni Sultan Kudarat gubernatorial candidate Sharifa Akeel-Mangudadatu dahil sa kakulangan umano ng residency requirement ni Sangki-Mangudadatu.


Tatlong araw bago ang halalan, isinawalang bisa ito ng Korte Suprema sa pamamagitan ng temporary restraining order.


38 views
bottom of page