Kate Dayawan

SULTAN KUDARAT — Opisyal nang prinoklama ng Commission on Elections ang bagong uupong alkalde ng bayan ng Sultan Kudarat sa katauhan ni Datu Tucao Mastura.
Vice mayor naman nito ang incumbent mayor na si Datu Shameem Mastura.
Tinalo ni Datu Tucao ang kanyang tatlong kalaban matapos na makakuha ng 23,149 na boto.
11,361 lang na boto ang nakuha ng kalaban nito na si Esmael Ebrahim na siyang kandidato sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party.
Ang bagong bise alkalde naman na si Datu Shameem ay nanalo nang makakuha ng 23,705 na boto laban sa kalabang si Datu Abdelnasser Esmael ng UBJP na mayroon lamang 10,124.