Kristine Carzo | iNEWS | September 8, 2021
Cotabato City, Philippines - kinumpirma ni Cotabato City Health Officer Dr. Meyasser Patadon sa Iminds Philippines na wala pa ring naitatalang kaso ng Delta Variant ang lungsod.
Ayon kay Dr. Patadon, ang lahat ng mga cotabateniong nagpopositibo sa covid-19 ay isinasailalim sa kaukulang test upang kumpirmahin kung ito ba ay nagpositibo sa iba pang variant ng Covid-19.
Sa ngayon ay patuloy na minomonitor ng City Health Office ang mga nagpopositibo sa sakit maging ang mga Health Facility sa lungsod.
Sa datos mula sa City Health Office as of September 6, 2021 umaabot na sa 3,131 ang kaso ng Covid-19 sa lungsod, 265 rito ang active case kung saan 132 ang naka admit at 133 naman ang naka quarantine sa mga isolation facility.
Umaabot na rin sa 123 ang nasawi at 2,743 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
