top of page

DEPLOYMENT NG MGA BAGONG HOUSEHOLD WORKER SA SAUDI ARABIA, PANSAMANTALANG ITINIGIL.

Joy Fernandez | iNEWS | December 3, 2021

Photo courtesy : Philippine Star


Cotabato City, Philippines - Pahayag ng labor attaché ng Pilipinas sa Riyadh, libo-libo na ang mga naitatalang kaso ng pang-aabuso sa Saudi Arabia---kabilang na rito ang isang Saudi General na dati nang inireklamo dahil sa ginagawa nitong pagmamaltrato, ngunit sa kabilang banda ay nagawa pa ring mag-hire ng labing anim pa na mga Pinoy na dumanas din ng kaparehong pang-aabuso.


Bunsod nito, ani Labor Attaché Fidel Macauyag kinakailangan na diumano itong ma-aksyunan.


Kaya naman pansamantala munang itinigil ang pagpapadala ng mga bagong household service worker sa naturang bansa.


Dagdag ni Macauyag na may mga Pilipino nang nakauwi at nabayaran ang kanilang buong sahod----


Subalit may sampung libong Pinoy pa rin ang hindi nababayaran.


Ayon naman sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, hindi kabilang ang iba pang Overseas Filipino Workers sa suspensyong ito.


Sa ngayon, target ng Pamahalaan na maglabas ng mga bagong pamantayan sa taong 2022 para sa recruitment ng bagong household service workers upang masimulan na ang mas maayos nilang deployment.

15 views
bottom of page