Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy : HARIBON TEAM
Cotabato City, Philippines - Gamit ang mga available na teknolohiya ng gobyerno at sa tulong ng mga teroristang nagbalik-loob sa gobyerno sa Lanao del Sur, natukoy na ng militar ang ilan sa mga pagkakakilanlan ng mga teroristang miyembro ng Daulah Islamiya – Maute Group na napatay sa engkwentro a dos ng Marso sa Maguing, Lanao del Sur.
Kabilang sa mga kumpirmadong namatay ay ang mga sub-leader ng nasabing grupo na kinilalang sina Munaim Cali alyas Abu Dimam at alyas Muhammad, kasama ang sub-leader ng DI-Hassan Group ng Maguindanao na si alyas Abu Shaheed.
Patuloy namang iniimbestigahan ng otoridad kung ano ang kinalaman ng teroristang grupo na DI-Maute at DI-Hassan sa mahigit 54 million pesos na halaga ng shabu na nakumpiska sa nasabing engkwentro.
Tinitingnan din sa mga report ng naunang engkwentro kung may kinalaman at koneksyon ba ang ISIS sa may-ari ng bahay na si alyas Mayora at isang Yasser Samporna kung narekober ang kilo-kilong shabu at hinihinalang marijuana.
Paalala ng Joint Task Group Haribon sa publiko na huwag magpapalinlang sa teroristang grupo. Sa halip ay makiisa sa gobyerno na puksain ang terorismo at tigilan na ang pagpapalaganap nito.
End.