DIALYSIS CENTER SA SANITARIUM HOSPITAL

BTA BILL NO. 45 O PAGKAKAROON NG DIALYSIS CENTER SA SANITARIUM HOSPITAL ISINUSULONG NA MAISABATAS
Bangsamoro Autonomous Region - Isinusulong na maisabatas sa BTA Parliament ang BTA Bill No. 145 o ang pagkakaroon ng Dialysis Center sa Maguindanao bilang tugon sa dumaraming residente ng BARMM na nangangailan ng dialysis treatment
Bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga residente sa BARMM na mayroong renal ailments at nangangailangan ng dialysis treatment, isinusulong na maisabatas sa BTA Parliament ang BTA Bill number 45 o ang pagkakaroon ng dialysis center sa Cotabato Sanitarium and General Hospital.
Ayon kay MP Romeo Sema, marami sa mga nangangailangan ng treatment ang pumupunta pa sa ibang lugar upang magpagamot.
Ayon sa komite, ang average cost ng dialysis para sa isang pasyente 4,500 per session, o nasa P9,000 to P13,000 kada linggo. Mas mababa pa sa minimum wage sa rehiyon.
Sa proposed bill, magbibigay ang Sanitarium building at lugar para sa dialysis center.
Dagdag pa rito ang pag-hire ng doctor, nurses, at administrative staff para sa operasyon.
AngMinistry of Health, sa pamamagitan ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) Program, ay maglalaan din ng tulong para sa unang taon ng operasyon.