DILG, NAGSAGAWA VALIDATION SA TUPI, SOUTH COTABATO PARA SA LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARDS
Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Binista ng mga kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government ang bayan ng Tupi, South Cotabato partikular ang Barangay Poblacion.
Ito ang entry ng lalawigan sa Lupong Tagapamayapa Incentive Award (LTIA) ng DILG.
Photo courtesy: Provincial Govt of South Cotabato
Isa ito sa mga programa ng mga lokal na pamahalaan kung saan agad tinutugunan ang mga gusot at hindi pagkakaunawaan na hindi na umaabot pa sa demandahan at korte.
Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) ay itinatag noong 1997 bilang isang paraan upang ma-institutionalize ang isang sistema ng pagbibigay ng mga benepisyong pang-ekonomiya mga insentibo sa Lupong Tagapamayapa na nagpapakita ng mahusay na pagganap sa pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan sa antas ng barangay.
End