Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Humingi ng paumanhin si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos matapos bumisita ang mga pulis sa mga bahay ng ilang mamamahayag upang tanungin kung nakatanggap sila ng mga banta katulad ng natanggap ng pinaslang na komentarista na si Percy Lapid.
Sa ulat mula sa ABS CBN News, bagama't ang hakbang ay upang siguruhin ang kanilang seguridad, nagdala naman ito ng takot at pangamba sa ilang mamamahayag.
Ang paghingi ng tawad ni Abalos ay KASUNOD NG PAGHINGI NG tawad ang Eastern Police District ng NCR Pollice Office matapos magreklamo ang mga miyembro ng press ng paglabag sa privacy habang bumibisita ang mga pulis sa kanilang mga tahanan.
Sa isang pahayag, sinabi ni NCRPO Chief BGen Jonnel Estomo na ito ay isang "gesture" upang suriin ang mga banta sa mga mamamahayag kasunod ng pananambang kay broadcaster Percy 'Lapid' Mabasa, nitong nakaraang buwan.
Inutusan si Estomo na ihinto ang programa na dapat ay magpapadama ng seguridad sa mga tauhan ng media.
Nakatakdang magsagawa ang DILG ng pagpupulong kasama ang mga media practitioner at kumpany ng mga ito.
Noong 2021, ang Pilipinas ay pinangalanang 7th Dangerous Country sa mundo para sa mga mamamahayag.
Mayroong labing tatlong (13) kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag na hindi pa nalulutas sa bansa sa pagitan ng 2011 at 2021, ayon sa Global Impunity Index na inilabas ng Committee to Protect Journalists.
End