Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Pasado alas nuebe kaninang umaga nang dumating sa pagamutan sa Ezperanza Sultan Kudarat si DILG Sectretary Benhur Abalos upang personal na makita ang kalagayan ng mga sundalong sugatan sa ambush kahapon ng umaga sa Purok 5, Barangay Poblacion Ampatuan, Maguindanao.
Naroon din ang ina ang lalawigan, Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Sa loob ng ward, nag-alay ng panalangin para sa agarang paggaling…
[pause video panalangin c/o renegade]
Saka kinausap ng kalihim ang mga pulis na sina PSMS Renante Quinalayo, PCPL Rogelio Dela Cuesta Jr at PCPL Marc Clint Varrona Dayaday.
Iginawad din ni Secretary Abalos ang medalya ng kadakilaan sa mga sugatang pulis kasama si PNP BARMM Regional Director John Guyguyon.
Galing ng Barangay Kapimpilan ang mga pulis kung saan naghain ng warrants of arrest sa dalawang miyembro ng BIFF pero hindi nila nadatnan sa lugar ang mga ito. Mula Barangay Kapimpilan, dumaan ang mga ito sa Barangay Poblacion ng bayan pabalik ng kanilang himpilan, na ilang daang metro lamang ang layo sa kanilang istasyon, dito na sila tinambangan.
Patay ang hepe ng Ampatuan PNP na si Police Lieutenant Reynaldo Samson at Police Corporal Salipuden Endab sa ambush.
Ayon sa Maguindanao PNP ang dalawang subject sa inihaing warrants of arrest ang itinuturing na suspek sa pananambang .