top of page

DOH, NAGBABALA SA MGA NAGPATUROK NG BOOSTER SHOT KAHIT WALA PANG EUA SA BANSA.

Joy Fernandez | iNEWS | November 15, 2021



Cotabato City, Philippines - Kahit wala pang inilalabas na Emergency Use Authorization o EAU mula sa Food and Drug Administration kaugnay sa pagsasagawa ng vaccination rollout para sa ikatlong dose ng Covid-19 vaccines---


Kaliwat kanan na ang natatanggap na impormasyon ng Department of Health na may mga nagpapaturok na ng Booster shot.


Kaya naman nagbabala ang DOH, na ang mga taong nasa likod ng pagbibigay ng bakuna na mananagot ang mga ito kung sakaling magkaroon ng aberya sa pagturok ng ikatlong dose ng covid-19 vaccine at walang kahit anumang pananagutan dito ang gobyerno.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nais lamang masigurong ligtas at epektibo ang bakunang ibibigay sa publiko at ito’y hindi para kontrolin ang supply ng mga covid-19 vaccine.


Ngayong buwan naman ang target ng Pamahalaan na masimulan ang pagbibigay ng ikatlong dose ng Covid-19 vaccine para sa mga priority groups A1 o Health Workers, A2 o Senior Citizens at Priority groups A3 o Person’s with comorbidities.


12 views
bottom of page