top of page

DOS LGU, NAKATUON NA SA RECOVERY PLAN PARA SA MGA SINALANTA NI BAGYONG PAENG

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Habang hinihimay ang recovery plan, pinangunahan din ng alkalde ang paghahanda ng Peace Building Center bilang Evacuation Center sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte.


Patuloy ang pagbuhos ng relief assistance mula sa gobyerno at pribadong sektor para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Inilatag na ng Datu Odin Sinsuat LGU ang plano sa programang pabahay para sa mga sinalanta ni Bagyong Paeng sa bayan.


Ayon kay Mayor Datu Lester Sinsuat, ito na umano ang prayoridad nila at puspusang tinatrabaho para makabangon muli ang mga apektadong pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa bagyong Paeng.


Bukod sa tulong na ibabahagi ng gobyerno sa pagpapatayo ng bahay, sisikapin umano ng alkalde na matapos ang programa sa lalong madaling panahon para makausad na ang mga biktima ng bagyo.


Patuloy pa rin ang Search and Rescue team sa paghahanap ng mga nawalalang mga residente.


Sa pinakabagong datos ng Bangsamoro READi, nananatiling limampu’t tatlo ang naitatalang nasawi, tatlupu’t walo ang sugatan at labing dalawa ang pinaghahanap pa hanggang ngayon sa Bangsamoro Region.


End

4 views
bottom of page