top of page

DOS, NORTH AT SOUTH UPI, NANGUNGUNA SA MAGUINDANAO SA MGA KASONG RAPE AT GENDER BASED VIOLENCE

Updated: Sep 29, 2022

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa isinagawang 3rd quarter council meeting ng Local Committees on Anti-Trafficking-Violence Against Women - Local Council for the Protection of Children kahapon, September 27, hinimay ang resulta ng mga intervention ng Provincial Government ng Maguindanao sa mga nabanggit na usapin.


Photo Courtesy: Makabagong Maguindanao/ FB


Sa 3rd quarter meeting, bagama’t bumaba na ang mga kaso ng rape, violence against women and children at mga menor de edad na sangkot sa krimen, hangad ng pamahalaang panlalawigan na matuldukan na ito at wala nang maitatalang kaso.


Ayon kay Officer-in-Charge Provincial Planing and development Nulfarid Pol Ampatuan, inaasahan nila ang tulong mula sa lokal na pamahalaan at ibang ahensiya.


"Pinapalakas pa po namin ang aming ugnayan at koordinasyon sa Gender and Development coordinators and sa ibang partner pa po natin para agaran pong makapagbigay ng intervention ang Provincial Government."


Katuwang ng Makabagong Maguindanao sa programang ito ang Ministry of Social Services and Development, Ministry of the Interior and Local Government, IPHO, Local Council for the Protection of Children, Gender and Development, Provincial Disaster Risk Reduction,Prosecutor's office, Ministry of Labor and Employment at iba pang miyembro ng council.

12 views
bottom of page