top of page

DPWH Cotabato City District Engineering Office, itinurn-over na sa MPW-BARMM

Kate Dayawan | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Pormal nang itinurn-over ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Secretary Mark Villar ang DPWH Cotabato City District Engineering Office sa Ministry of Public Works o MPW-BARMM, araw ng Lunes, September 20.


Kasabay nito ay ang paglagda rin ng kalihim sa Memorandum of Agreement kasama si Public Works Minister Architech Eduard Guerra para sa interim implementation, arrangements/protocols ng iba’t ibang infrastructure projects ng National Government sa Bangsamoro region.


Isinagawa ng paglalagda ng MOA sa at DPWH Central Office, Port Area, Manila.

Sakop ng nasabing District Engineering Office ang buong barangay sa Cotabato City at maging ang lahat ng infrastructure at public works sa lungsod.


Pinasalamatan naman ni MPW Minister Eduard U. Guerra ang lahat ng mga nagtaguyod upang maisakatuparan ang pagturn-over ng nasabing opisina.


Sinisiguro nito na gagawin ng kanyang tanggapan ang lahat ng kanilang makakaya upang epektibong magamit ang bawat na itinurn-over sa kanila.


Inaasahan ng MPW-BARMM na makakalikha sila ng synergies kasama ang DPWH at magamit ang mga synergy na ito upang matugunan ang misyon ng transition period at ang mga layunin nito para sa sarili.




Photo by: MPW-BARMM

6 views
bottom of page