top of page

DPWH, MAGTATATAG NG DISTRICT OFFICE SA BARMM, ALINSUNOD SA DIREKTIBA NI PBBM

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Sampung tulay sa rehiyon ang apektado ng matinding baha dulot ng Bagyong Paeng.


Kaya matapos ang presentasyon ng BARMM hinggil sa mga nasirang tulay-




So sino ang magkukumpuni ng mga tulay? Ito ang tanong ng pangulo sa isinagawang situation briefing, kahapon Nobyembre 1.


Kasunod nito, agad ipinag-utos ng pangulo kay DPWH Secretary Manuel Bonoan sa Situation Briefing kahapon sa 6th Infantry Division na magkaroon ng district Office ang DWPH sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Isa sa sampung tulay na nasira ay ang Nituan Bridge. Matapos ang tatlong araw na paglalagay ng improvised bridge mula sa kahoy, kinukumpuni na ang tulay at nadadaanan na ito ngayon pero para sa mga light vehicles lamang.


End.


0 views
bottom of page