Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 29, 2022

Photo courtesy: PDEA BARMM
Cotabato City, Philippines - Kulungan ang bagsak ng apat na drug suspects matapos madatnan ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa sinalakay na drug den sa Bormaheco Drive, Purok Tulongan I, Barangay. Rosary Heights 4, Cotabato City araw ng Sabado, March 26.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Bong, ang may-ari ng drug den, Faisal, Gerry, at Victor na pawang nasa wastong gulang na.
Nakumpiska mula sa sinalakay na drug den ang walong sachet ng ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 15 grams at may estimated market price na 102,000 pesos.
Bukod dito, nakumpiska rin ang buy-bust money, cellphone, wallet, iba’t ibang ID at samu’t saring drug paraphernalia.
Naging matagumpay ang operasyon sa tulong Cotabato City Police Office – Police Station 2, Task Force Kutawato, National Bureau of Investigation – BARMM, PNP Maritime at Regional Highway Patrol Unit BARMM.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharaping kaso ng mga nahuling indibidwal na sa kasalukuyan ay nakapiit na sa PDEA BARMM Jail Facility.
End.