Kate Dayawan | iNEWS Phils | February 28, 2022

Photo courtesy : PDEA BARMM
Cotabato City, Philippines - Kulungan ang bagsak ng isang dating drug surrenderee matapos na positibong mabilhan ng iligal na droga ng isang PDEA agent sa ikinasang drug-buy-bust operation noong Biyernes, February 25 sa Purok Islam, Almonte Street, Barangay Poblacion 2, Cotabato City.
Kinilala ang suspek na si alyas Dhuds/ Datu Dods, 30 taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit kumulang 15 gramo at may estimated market value na 102,000 pesos.
Bukod dito ay nakumpiksa rin ang buy-bust money, cellphone, bag at isang Yamaha motorcycle na ginamit ng suspek sa transaksyon.
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng operasyon sa tulong ng mga tauhan ng PDEA RO-BARMM RSET, Task Force Kutawato, Cotabato City Police Office City Drug Enforcement Unit, CCPO Police Station 1, PNP MARITIME, at PNP Highway Patrol Group BARMM.
Sa report mula sa PDEA-BARMM, taong 2017 nang bolutaryo umanong sumuko ang suspek sa kanilang barangay.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ipapataw na kaso laban sa suspek na nakapiit na ngayon sa PDEA BARMM Jail Facility.
End.