Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Kalaboso ang isang magsasaka sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit Special Operating Unit BAAR katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency BARMM, pulisya at militar sa Tamontaka 2, Cotabato City nitong lunes, August 15.
Sa ulat, naaresto ang suspek na kinilala na si Alyas Mantrix matapos mabilhan ng iligal na droga ng isang uindercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer.
Sa naturang operasyon, nasamsam ng mga otoridad ang nasa 680 thousand pesos na halaga ng hinihinalaang shabu.
Nasa kustodiya na ngayon ng Cotabato City Police Station 3 ang naarestong suspek at mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.