FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES

Umabot na sa 86 million pesos ang halaga ng naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at non-government organization sa libo libong tinamaan ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Batay sa tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, sumampa pa sa 910,000 na pamilya o katumbas ng 3.7 milyong indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa higit 7,000 na barangay sa bansa.
Umakyat naman na sa 1,649 na mga bahay ang napaulat na totally damaged habang nasa 8,451 ang partially damaged.
Kahapon, kasama ni Pangulong Ferdinanad Marcos Jr si DSWD Sec. Erwin Tulfo at nanguna sa pamamahagi ng relief Assistance sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa Datu Odin sinsuat, Maguindanao.
Bukod sa Relief Goods, namahagi rin ito ng Cash Assistance, pondong tubig, hygiene kits, at beddings.
End