DSWD DIGITAL TRANSFORMATION

DIGITAL TRANSFORMATION SA DSWD, SINIMULAN NA NI SECRETARY REX GATCHALIAN
Presidential Communications Office - Ibinahagi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na nagsimula ang kanilang malawak at mahalagang digital transformation para sa mas mabilis, maayos, at tuloy-tuloy na proseso ng kanilang mga serbisyo sa publiko.
Kabilang dito ang pagsasaayos ng information and communications technology (ICT) infrastructure, digitalisasyon ng listahan ng mga benepisyaryo, pagdisenyo ng digital public infrastructure (DPI) technologies para mabawasan ang red tape at mapabilis ang pagpoproseso ng cash aid assistance.