Amor Sending | iNews | January 4

Photo Courtesy, DTI
Cotabato City, Philippines - Sinabi ng DTI noong Lunes, January 3 na ang pagbabalik sa mas mahigpit na COVID 19 restrictions sa Metro Manila ay magdudulot ng pagkalugi sa ekonomiya.
Ayon sa DTI magkakaroon ng higit kumulang na dalawang daang milyong pagkalugi sa ekonomiya at maaaring maka-apekto sa hindi bababa sa 100,000 mga trabaho.
Matatandaan na simula kahapon, ay isinalalim na ulit sa COVID-19 alert level 3 ang NCR, hanggang sa January 15.
Umaasa naman si DTI Sercretary Ramon Lopez na "sana'y pansamantala" lamang ang inaasahang pagkalugi sa ekonomiya.
Katwiran nya, na marami umanong sektor sa atin ngayon ay bukas na at binawasan lang ang operational capacity.