Joy Fernandez | iNews | November 5, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakatakdang magbukas sa susunod na linggo ang ilang sinehan sa Metro Manila---
Kabilang na dito ang Ayala Cinemas na magbubukas sa a dies ng Nobyembre ngunit sa walong malls lamang.
Habang ang SM Cinema naman ay magbubukas sa darating na November 24 at 26 sa mga piling malls.
Kaugnay nito ay pumayag na ang Department of Trade and Industry na tanggalin sa loob ng sinehan ang faceshield---
Subalit dapat sundin pa rin ang ilang mga panuntunan tulad ng patuloy na pagsusuot ng facemask, 1 metrong pagitan mula sa katabi kahit pa kayo'y magkapamilya o nasa iisang tirahahan lamang. Ipinagbabawal rin ang pagdadala ng pagkain, pero papayagan ang pag-inom ng tubig para sa health purpose.
Higit sa lahat, dapat ikaw ay bakunado na rin kontra Covid-19.
Ang pagtatanggal ng faceshield sa loob ng sinehan ay una nang sinuportahan ng Optical Coherence Tomography Angiography o OCTA Research Group nang magsagawa ito ng mga pag-aaral sa COVID-19.
