iNEWS | November 25, 2021

Cotabato City, Philippines - Kinuwestyon ito ni Senador Ping Lacson nitong Martes matapos malaman ang tungkol sa duplicate projects sa ilalim ng "Convergence and Special Support Program" sa panukalang badyet ng DPWH.
Aniya, kailangang malaman ang pagkakaiba ng mga proyekto sa ilalim ng SIPAG at BIP na halos magkapareho ang descriptions.
Kabilang dito ang mga kalsada papunta sa strategic public buildings na nagkakahalaga ng P47.976 billion sa ilalim ng SIPAG at P10.2215 billion sa ilalim ng BIP.
Flood mitigating structures na nagkakahalaga ng P38.623 billion sa ilalim ng SIPAG at P6.378 billion sa ilalim ng BIP
Mga kalsada na madaraanan ang iba't ibang LGUs NA ABOT SA P11.801 billion sa ilalim ng SIPAG at P1.501 billion sa ilalim ng BIP
Multi-purpose buildings NA ABOT SA P9.622 billion sa ilalim ng SIPAG at P17.205 billion sa ilalim ng BIP
Coastal roads/causeways NA ABOT SA P1.842 billion sa ilalim ng SIPAG at P215 million sa ilalim ng BIP
Mga kalsada patungo sa IP communities NA ABOT SA P253 million sa ilalim ng SIPAG at P1.643 billion sa ilalim ng BIP
Sa kabuuan, tinatayang aabot sa P110.118 billion ang duplicate projects sa ilalim ng SIPAG at P37.164 billion sa ilalim ng BIP.
Ayon kay Lacson, halos magkatulad lang ang description ng mga proyektong ito at kailangang malaman mula sa DPWH kung ano ang pagkakaiba nila.