top of page

DUTERTE, SANG-AYON NA IBALIK PAGSUSUOT NG FACESHIELD KUNG MAKAPASOK SA BANSA ANG OMICRON VARIANT

Joy Fernandez | iNEWS | December 1, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga health experts at mga miyembro ng Gabinete noong gabi ng lunes---


Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sang-ayon siya na ibalik muli ang pagsusuot ng faceshield kung sakaling makapasok na ng bansa ang panibagong variant ng Covid-19 na Omicron.


Subalit dagdag nitong ang Inter-Agency Task Force on Covid-19 na ang bahalang magdesisyon ukol sa usaping ito.


Pahayag naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na hindi talaga maiiwasan ang pagdating ng Omicron sa bansa kaya naman hinihikayat nito ang publiko na magsuot ng faceshield kapag nasa matataong lugar, close spaces at mga close-contact setting.


Mababatid na tinanggal ang kautusan na mandatory ang pagsusuot ng face shield kasabay ng mga pag-aaral umano na wala naman talaga itong epekto sa pagpigil ng COVID-19 transmission.

15 views
bottom of page