Kristine Carzo | iNEWS | September 7, 2021
Cotabato city, Philippines - Ayon kay Cotabato City Schools Division Superintendent Concepcion Balawag, wala namang pinagkai-iba ang bilang ng mga nagpatala kung ikukumpara nuong mga nakaraang taon.
Mayroon ding mga estudyante ang lumipat mula sa mga pribadong paaralan at nag-patala na rin sa mga pampublikong paaralan.
Para sa mga estudyanteng nais na magpatala maari lamang na tumungo ng personal sa paaralan, sa pamamagitan ng Text Message at Drop Boxes sa labas ng paaralan.
Samantala, nilinaw naman ng deped na ang pag-papatala sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay libre o walang bayad.
Ang sinomang hihinggi ng kahit anomang halaga sa mga magulang ay maaring ireport sa kinauukulan upang agarang maaksiyonan.
