EASTERLIES AT ITCZ

Patuloy sa pagiral ang Easterlies na magdadala ng mainit na panahon sa Bansa, ngunit asahan namang magpapaulan ngayong weekend ang namuong Inter-Tropical Convergence Zone sa labas Philippine Area of Responsibility.
Umiiral na ang Easterlies o ang hangin na galing sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa, ito rin ay magdadala ng mainit at maalinsangang panahon at mababa na tsansa ng pagulan sa maraming lugar sa Pilipinas.
samantala, wala namang bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa unang araw ng Mayo, pero makikita sa sattelite images ng PAGASA na sa malayong bahagi ng Mindanao ay may namumuong mga kaulapan, ito ay dahil sa Intertrupical Convergence Zone o ang pagsalubong ng hangin muna sa Northern Hemisphere at Southern Hemisphere.
Inaasahan na sa weekend hanggang sa unang araw ng Mayy ay lalapit ang ITCZ sa bansa, as early as tomorrow ay magpapaulan ito sa Eastern Portion ng Visayas at mindanao, at posibleng may mabuong Low Pressure Area sa loob ng ITCZ na magpapa-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
para sa magiging lagay ng ating panahon bukas,
Ang Cotabato city ay makakaranas ng 24-34 degrees celsius na agwat ng temperatura at 80 percent na tsansa ng pag-ulan.
Sa Maguindanao, maglalaro sa 25-36 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag-ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 100 percent ang chance of rain.
Sa Cotabato Province, maglalaro sa 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 100 percent ang chance of rain.
Ang Davao City naman ay makakaranas ng 24-32 degrees celsius na agwat ng temperatura at 90 percent na tsansa ng pag-ulan.
Sa Cagayan De Oro, maglalaro sa 25-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang chance of rain.
Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang chance of rain.
Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 24-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang chance of rain.
at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-27 degrees celsius na agwat ng temperatura at 100 percent na tsansa ng pag-ulan.
ang araw ay sumikat kaninang 5:35 ng umaga at lumubog kaninang 6:12 ng hapon