top of page

EDUCATION SUPPORT AND ASSISTANCE


Photo Courtesy: MBHTE- BARMM

MBHTE OFFICIALS, NAGTUNGO SA BANGUINGUI, SULU PARA SA PAGTATAPOS NG 50 ISKOLARS NG TVET; NAGMAHAGI RIN NG IT SUPPLIES AT EQUIPMENT ANG MBHTE SA 18 PAARALAN SA BAYAN


Bangsamoro Autonomous Region - Tinungo ng MBHTE officials ang bayan ng Banguingui, Sulu. Sinaksihan ng mga opisyal ang pagtatapos ng limampung benepisyaryo ng TVET. Pinagkalooban din ng IT supplies at equipment ang labing walong paaralan sa bayan.


Sinaksihan ni Minister Mohagher Iqbal ng MBHTE l ang pagtatapos ng limampung training beneficiaries ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET o BSPTVET na sumailalim sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II at Basic Solar training areas sa Tongkil National High School.


Dalawampu’t limang trainees mula sa EIM training area ang tumanggap ng kanilang allowance na nagkakahalaga ng 5,040.00. Binigyan naman ng solar kits ang dalawmapu’t lima pang natitirang scholars.


Samantala, labing walong paaralan sa bayan ng Banguingi sa ilalim ng Sulu Schools Division Office ang pinagkalooban ng IT supplies at equipment.


Ito ay kinabibilangan ng


1. 18 sets of desktop (All-in-One PC)

2. 18 units of Epson printer

3. 18 pieces of tumbler

4. 18 pieces of wall clock

5. 36 pieces of wall fan


Pinagkalooban din ang SULU SDO ng 120 units ng android tablets para sa kanilang teaching at non-teaching personnel.


Idineploy na rin ang 43 Islamic Studies and Arabic Language Teachers-Asaatidz sa bayan matapos ang malagdaaan ang kanilang Contracts of Service renewal para sa July hanggang December 2023.

3 views0 comments

Recent Posts

See All