EID’L FITR

Bukas na idadaos ang Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Ito ang inunsyo ni Abuhuraira Udasan ang Grand Mufti ng BARMM matapos hindi nasilayan ang buwan sa isinagawang moon sighting kagabi.
Photo Courtesy: Bangasamoro Govt. Center Cot City
Inanunsyo kagabi ni BARMM Grand Mufti Abu Juraira Udasan na bukas ang opisyal na pagtatapos ng Ramadan o ang pagdadaos ng Eid’l Fitr.
Ito’y dahil hindi nasilayan ang buwan sa isinagawang moon sigthing kagabi sa
1. Polloc, Parang, Maguindanao;
2. Tantawan, PC Hill, Cotabato City;
3. Timako Hills, Kalanganan II, Cotabato City;
4. Tapian, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao;
5. Iligan bay, Iligan City (Lanao Team);
6. Sunkist Seaside, Pahut, Bongao, Tawi-Tawi;
7. Port, Jolo, Sulu; and
8. Isabela, Basilan.
Samantala, sa inilabas na public advisory ng Cotabato City Government, Ipinagbabawal ang Mobile or caravan Takbir, pagbubusina at pagkalansing ng mga bagay, pagpapaputok ng baril at iba pang public disturbance sa gagawing selebrasyon ng Eid’l Fitr alinsunod sa Executive Order Number 54.
Inaatasan ng lokal na pamahalaan ang Cotabato City Police Office, City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO), Public Safety Office, BM Patrol at ang mga barangay na bantayan ang mahigpit na pagsunod sa EO No. 54 at tiyakin ang isang mapayapa at tahimik na pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa lungsod ng Cotabato.