EID’L FITR CONGREGRATIONAL PRAYER

Dagsa sa iba’t ibang lugar sa Cotabato City at Maguindanao ang mga mananampalataya sa relihiyong Islam sa isinagawang Congregational Prayer sa Eid’l Fitr. Pagkakaisa at kasaganahan naman ang ipinaabot ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa mamamayan ng BARMM at sa buong muslim community.
Photo Courtesy: Bangsamaoro Governmet
Sabay-sabay ang pagdating ng mga magkakamag-anak sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City, Sabado ng umaga, April 22, 2023 para sa Eid’l Fitr congregational prayer.
Ang Eid’l Fitr ay ang pagtatapos ng holy month of Ramadhan na sumisimbolo ng panibagong pag-asa, pagkakaisa, at pagpapatawad
Ang pagdiriwang ng Eid'l Fitr sa pamamagitan ng congregational prayer ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng komunidad at ang papel ng espirituwalidad sa pagsasama-sama ng mga tao.