top of page

EJ OBIENA, NAKATAKDANG ALISIN SA NATIONAL TRAINING POOL NG PATAFA

Amor Sending| iNews | January 5, 2022



Cotabato City, Philippines - Pinatatanggal sa National Training Pool ng Pilipinas ang Olympian Paul Volter na si Ej Obiena.


Ito ang rekomendasyon ng Philippine Athletics Track And Field Association o PATAFA matapos ang isinagawang imbestigasyon kaugnay sa umanoy hindi nito pagbabayad ng coaching fees.


Sa media forum nitong martes, sinabi ng PATAFA na bukod sa pagtanggal sa pagiging pambansang atleta ni Obiena, inirekomenda rin ng komite ang pagsasampa ng criminal complaint na estafa laban sa 26-anyos na atleta hinggil sa 61,026.80 euros o katumbas ng p3,661,608 na pondo ng pederasyon.


Ito ang halagang inilaan para rin bayaran ang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov mula May 2018 hanggang August 2018.


Kasama rin sa rekomendasyon ng PATAFA ang paghahain ng reklamo laban sa Coach ni Obiena sa World athletics dahil sa paglabag umano sa Integrity Code Of Conduct at pagpapatalsik dito bilang coach ng federation.


Idedeklara din bilang persona non grata ng federation ang tagapayo ni Obiena na si James Lafferty.


Ang rekomendasyon ng PATAFA ay ipadadala Sa Philippine Olympic Committee (Poc) At Philippine Sports Committee (Psc).

Samantala, binansagan namang "vengeful act" ng Philippine Olympic Committee ang desisyon ng PATAFA na tanggalin ang elite pole vaulter na si Ej Obiena sa pambansang koponan.


Binigyang-diin ni POC President Abraham "Bambol" Tolentino na patuloy na susuportahan ng POC si Obiena, na may hawak ng National At Asian records sa kanyang event at nag-iisang Asian na nakagawa ng pole vault final sa Tokyo Olympics noong August 2021.


Aniya, sisiguraduhin umano ng POC na makakarating sa Hanoi at Hangzhou si Obiena, kung saan gaganapin ang 31st South East Asian Games sa Mayo at ang Asian games sa Setyembre.

Ayon kay Tolentino, ang Philippine Sports Commission na ang magdedesisyon kung papayagan nitong matanggal sa national team si Obiena

22 views
bottom of page