Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Pumwesto ang Asia’s Top vaulter na si EJ Obiena sa top 3 ng World Athletics Ranking kasunod ng kanyang bronze-medal finish sa 2022 World Championships
Batay sa men's world pole vault ranking na inilabas noong July 26, pumangatlo ang Tokyo Olympian sa iskor na 1,408 points.
Nalampasan niya ang Rio Olympic gold medalist at training partners na si Thiago Braz.
Si Obiena ay nagtakda ng bagong Asian record nang manalo ng bronze medal sa 2022 World Championships sa Eugene, Oregon noong Linggo, July 24.
Siya ang unang Pilipinong atleta na nanalo ng medalya sa mga kampeonato sa mundo.
Target ngayon ni Obiena na malagpasan ang 6-meter mark.