EKONOMIYA NG PILIPINAS, LUMAGO NG 5.6% NOONG 2021, MAS MATAAS KAYSA SA REVISED TARGET
Amor Sending | iNEWS | January 28, 2022

Courtesy: ABS-CBN News
COTABATO CITY, Philippines - Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Growth Domestic Product ay lumago sa 7.7 percent sa ikaapat na kwarter ng taong 2021.
Dagdag pa nito, na ang 2021 GDP growth ay mas mataas sa target na 5 hanggang 5.5 percent target na itinakda ng Development and Budget Coordination Committee noong Disyembre.
Ang paglago ng GDP noong nakaraang taon ay isang makabuluhang rebound kumpara sa 9.6 percent contraction noong 2020.
Sinabi ni National Statistician na si Dennis Mapa na ang nominal GDP noong nakaraang taon ay sobrang lapit na sa nominal GDP bago ang pandemya.
Paliwanag nito na ang GDP noong 2020 ay bumulusok sa P17.939 trillion, pero muling bumangon sa P19.387 trillion nitong 2021, habang P19.518 trillion naman ito noong 2019 bago ang pandemya.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na dahil dito, tumaas ang kumpyansa ng economic managers para sa posibleng pagbabalik ng ekeonomiya ng bansa na kaparehas noong wala pang pandemya.
Ipinagpasalamat naman ni Chua ang nasbaing paglago ng ekeonomiya sa pinaluwag na kwarantin at sa tuloy-tuloy na vaccination drive ng bansa.
Sinabi ng PSA na ang pangunahing contributor sa ikaapat na quarter at buong taon na paglago ay: manufacturing; wholesale at retail trade; repair of motor vehicles at motorcycles; construction Industry at services.
Gayunpaman, ang agrikultura, forestry, at pangingisda ay nag-post ng pag-urong ng -0.3 porsyento.
Inaasahan ng mga economic manager na lalago ang ekonomiya sa pagitan ng 7 hanggang 9 na porsyento ngayong taon.
Sa layuning ito, inulit ng MalacaƱang ang panawagan nito para sa amendments ng Public Service Act, na magbubukas ng mga pangunahing sektor sa dayuhang pamumuhunan, na napapailalim sa mga pananggalang.
Ayon kay Nograles, patuloy na sinusuportahan ng gobyerno ang panukalang Livestock Development and Competitiveness Bill para mapabuti ang competitiveness ng livestock, poultry at dairy sectors, gayundin ang pagpapatupad ng Philippine Innovation Act para mapabuti ang produktibidad.