EL NINO

NATIONAL WATER RESOURCES BOARD, NAGHAHANAP NA NG MAS MARAMI PANG PAGKUKUNAN NG TUBIG BILANG PAGTITIYAK SA SAPAT NA SUPLAY NG TUBIG SA KASAGSAGAN NG EL NINO
Presidential Communications Office - Patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan bilang paghahanda sa paparating na El Niño phenomenon lalo na sa seguridad ng suplay ng tubig sa ikatlong bahagi ng taon.
Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), naghahanap na ang pamahalaan ng mas marami pang pagkukunan ng tubig at magsasagawa din ng monitoring efforts sa umiiral na panahon bilang pagtitiyak sa sapat na suplay ng tubig sa kasagsagan ng El Niño.