Amor Sending | iNEWS | November 25, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato
Cotabato City, Philippines - Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa ilalim ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na mandato ng Pamahalaan, nabigyan ng financial at livelihood assistance ang mga dating rebelde upang makapagsimulang muli at magkaroon ng panibagong buhay sa ating lipunan.
Bukod rito, naghatid rin ng serbisyo ang tanggapan ni Governor Nancy Catamco, sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga residente ng Brgy. Kulaman Valley ng mga food packs, assorted fruit trees, 5 goat modules, buntis kits, assorted medicines, multivitamins & vitamin C supplements, oral health kits para sa mga senior citizens, at oral contraceptives/family planning pills para sa mga pregnant at lactating mothers.
Maliban diyan ay nagkaroon din ng libreng PSA registration at mobile COVID-19 vaccination clinic sa mismong event.
Nakapagpatayo rin ng covered court sa Brgy. Kulaman Valley na siyang naging pangunahing hiling ng mga barangay officials.
Nangako naman si Governor Nancy Catamco na pagsisikapan niyang malagyan ng stage at bleachers ang naipatayo niyang covered court ng Brgy. Kulaman upang magamit ito sa iba pang mga activities ng barangay. Isinama din ni Governor Nancy sa kanyang priority projects ang kahilingang rescue vehicle ng RHU Arakan.