top of page

ENHANCE DEFENSE COOPERATION AGREEMENT


Kakausapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Ambassador ng China to the Philippines Huang Xilian kasunod ng naging pahayag ng ambassador sa hinggil aniya’y expanded access ng Estados Unidos sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.


Photo Courtesy: Presidensial Communications Office


Nais linawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang naging pahayag ng Ambassador ng China to the Philippines na si Huang Xilian hinggil aniya’y expanded access ng Estados Unidos sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.


Ayon sa Presidential Communications Office, nagbigay umano ng payo ang Chinese diplomat kamakailan sa bansa na dapat tutulan ang “Taiwan independence” kung tunay itong nangangalaga sa kapakanan ng 150,000 na mga pinoy na nagta-trabaho doon.


Ayon sa pangulo, maaring nagkaroon lang ng tinatawag na “lost of translation” ang Chinese Ambassador sa naging pahayag nito.


Ayon sa naunang pahayag ng Department of Foreign Affairs walang pinoy sa Taiwan ang humihingi ng tulong hinggil sa repatriation sa ngayon sa gitna gusot ng dalawang bansa.


Tiniyak naman ng foreign affairs department na nakalatag na ang mga contingency plans sa mga lugar na may maraming bilang ng mga pinoy workers kabilang na ang Taiwan.

6 views0 comments

Recent Posts

See All