ESTADO NG QUIRINO BRIDGE

CONTRACTOR AT KINATAWAN NG DPWH REGION XII, IPINATAWAG NG SP AT INALAM ANG ESTADO NG TULAY AT KUNG KELAN MATATAPOS ANG PAGSASAAYOS DITO
Cotabato City - Ipinatawag ng konseho ang kinatawan ng DPWH Region XII at contractor ng Quirino Bridge. Nais ng SP na mailatag ang estado ng tulay at kung kelan matatapos ang pagsasaayos dito.
Enero nitong taon nang magpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod hinggil sa full disclosure ng pagsasaayos ng Quirino Bridge. Ayon kay Cotabato City Vice Mayor Butch Abu, matagal na ang isinasagawang konstruksyon sa tulay.
“Pinatawag natin sila dahil matagal na yong construction dapat yong retrofitting dapat ng quirino bridge. Kung maalala ninyo 2018 pa yan,, this year nong January. Nagpasa tayo ng resolution para sa full closure ng quirino bridge, dahil sa nagpasa tayo ng ordinance dapat implement na dapat, dahil maraming naabala na commuters, esp yong mga estudyante na pumapasok sa cotabato city, from the nearby towns, mga negosyante, mga empleyado, kaya pinatawag natin sila”.ayon kay Vice Mayor Butch Abu
Ayon sa bise alkalde, napag-alaman din ng konseho ang hamon na kinakaharap hinggil sa pagsasaayos sa tulay.
“Ngayon, they admit na me mga lapses at me mga concerns sila. Nag suggest kami sa kanila, kami sa SP bakit hindi sila magkaroon ng convergence meeting, kasama yong dpwh 12, city engineering office, ocs, yong barangay captain concerned kasama si contructor, para once and for all, mapag usapan. Yon naman e gagawin naman nila. And dating ng mga equipment and materials ay May 22-25. Yon naman po ang pangako nila. Mag susubmit sila ng target/project schedule kung kelan nila tatapusin ang proyekto. Kaya lang hindi pa natin naririview ang papeles, babasahin pa lang natin”.ayon kay Vice Mayor Butch Abu