top of page

ESTUDYANTE SA KIDAPAWAN CITY, ARESTADO MATAPOS NA MAKUHANAN NG ILIGAL NA DROGA NG PNP

Kate Dayawan

KIDAPAWAN CITY - Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ng bente anyos na si Darill nang siya ay aarestuhin na ng Kidapawan City Police sa loob ng pamamahay nito sa Purok Avocado, Barangay Luvimin, Kidapawan City noong Miyerkules, May 18.


Sa report mula sa Kidapawan City Police Station, nang magsagawa ng search operation ang PNP, positibo umanong nakuha mula sa kwarto ng suspek ang limang sachet at ilang lalagyan na naglalaman ng residue ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 0.75 gramo at nagkakahalaga ng P5,000 kasama ang mga paraphernalia.


Sa una ay todo tanggi pa umano ang suspek ngunit kalaunan ay umamin na rin ito na gumagamit siya ng nasabing iligal na droga.


Katuwang ng Kidapawan CPS sa nasabing operasyon ang City Drug Enforcement Unit (CDEU), CCPO PIU, PDEU-CPPO, RPDEU 12, 1203rd RMFB 12 at Philippine Drug Enforcement Agency 12.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

16 views
bottom of page