top of page

EUMIR MARCIAL, MULING SASABAK SA BOXING RING KONTRA ISIAH HART

Mr. Jay Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 25, 2022

Photo courtesy : FB Eumir Marcial


Cotabato City, Philippines - Ang Filipino boxer na si EUMIR MARCIAL ay muling makasabak sa loob ng boxing ring kung saan makakalaban nito si Isiah Hart sa a nuwebe ng Abril.


Ito ang unang pagsabak ni Marcial sa Las Vegas (1-0) kung saan ay nagwagi ito ng bronze medal sa Tokyo Summer Games nung nakaraang taon.


Ang kanilang 6 Round Middleweight bout Undercard ay gagawin sa Erickson Lubin-Sebastian Fundora showdown. Ang championship event ay gaganapin sa The theater at Virgin Hotel sa Las Vegas.


Excited na umano si Marcial sa kanyang professional career na lalaban sa Las Vegas, kung saan dito na siya nakatira at nag-training.


Komportable si Marcial sa ilalim sa kanyang boxing coach na si Jorge Capetillo at ang strength and conditioning coach si Angel Momo Heredia.


Unang sumabak sa professional boxing si Marcial noong Dec. 16, 2020 sa Los Angeles, kung saan tinalo niya ang tigasing si Andrew Whitfield sa 4 rounds.


Bumalik sa pagiging amateur nang pinaghandaan nito ang Tokyo Olympic kung apat na pinoy ang nakaakyat sa podium.


Si Marcial ay lalaban kay Hart, kung saan bitbit nito ang record na 6-2-1 apat nito knockout victory.


End.





4 views
bottom of page