FARM BUSINESS SCHOOL TRAINING

Photo Courtesy: Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform - BARMM
Upang palakasin ang entrepreneurial skills ng mga magsasaka sa buong BARMM, isinailalim sa Farm Business School Training ang mga agrarian reform officers sa buong rehiyon.
Pinalalakas ng Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform ang entrepreneurial skills ng mga magsasaka sa buong Bangsamoro Region.
Bahagi dito ang pagsagawa ng Farm Business School Training of Facilitators (TOF) for Agrarian Reform Sector kung saan lumahok ang mga agrarian reform officers sa buong rehiyon.
Ang limang araw na pagsasanay ay pinangasiwaan ng Department of Agrarian Reform Central Office Farm Business School technical staff.
Ang Food and Agriculture Organization ng United Nations ay suportado ang pagsusumikap ng DA sa pakikipag tulungan ng DAR na ipatupad ang Project "Capacity Building of Small Farmers in Entrepreneurial Development and Market Access" sa pamamagitan ng pagtatatag ng Farm Business School (FBS).
Ang Farm Business School ay inorganisa kung saan ang mga magsasaka ay tinuturuan ng farm business management sa buong season.