FILIPINO BRAND OF SERVICE EXCELLENCE

43, 813 INDIBIDWAL, NAKIBAHAGI SA FILIPINO BRAND OF SERVICE EXCELLENCE TRAINING NG DOT
Department of Tourism - Aabot sa 43,813 na indibidwal ang nakibahagi sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) training ng Department of Tourism - Philippines sa buong bansa.
Layon ng kagawaran na makapagsanay ng halos 100,000 na Pilipino na frontline tourism workers bago matapos ang taon sa gitna ng pagpapalakas muli ng turismo sa bansa.