FILIPINO MUSICIAN NA SI RYAN CAYABYAB, MAY PAYO SA MGA BAGONG LOCAL ARTISTS NG BANSA
Fiona Fernandez | Inewsphilippines

Versatile.
Ganito mailarawan ang husay ni Rayan Cayabyab sa larangan ng musika.
Isa itong composer, arranger, music director, conductor, performer, at educator. Siya ay mas kilala sa bansag na Mr. C sa larangan n showbiz.
Sa apat na dekadang parte ng OPM, hindi mo maitaangging napayabong ni Mr. C ang musc culture ng Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang mga compositions, mga performances na umani ng pagkilala hidi lang sa bansa kundi maging abroad.
taong 2018 hinirang din si Mr. C bilang National Artist for Music dahil sa mga kantang binibigyang kahalagahan ang isang Pilipino.
Sa kabila ng pagiging National Artist for Music sinabi nitong tanggap na niya na nakalipas na ang panahon niya.
Panahon na raw para sa bagong henerasyon ng composers na kuminang sa OPM scene.
Kaya naman, payo ni Mr. C sa mga bagong kompositor, arrangers o musicians na gumagawa na rin ng pangalan at tatak sa industriya ng musika.
At lagi daw pakakatandaan na ang galing ay maay kaakibat na determinasyon, sipag at passion.