top of page

FINANCIAL ASSISTANCE, TABLETS, LAPTOPS, UPUAN AT LEARNING MATERIALS, IPINAMAHAGI NG MBHTE sa BASILAN

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Bilang bahagi ng suporta at partisipasyon ng MBHTE BARMM sa Project Tabang Convergence ng BARMM Government, sampung iskolar ng Bangsamoro Scholarship Program for Technical-Vocational Education and Training (BSPTVET) sa ilalim ng Agricultural Crops Production NC II ang pinagkalooban ng 7,890.00 pesos.

Photo courtesy: MBHTE


Pinagkalooban din ng tulong pinansiyal ang 15 paaralan sa Lamitan City Schools Division Office (SDO) at 15 sa Basilan SDO. 10 paaralan mula sa bawat dibisyon ang nakatanggap ng Php 100,000.00 na tulong habang ang natitirang limang (5) paaralan ay nabigyan ng Php 30,000.00.


Ang pagkakaloob ng tulong ay bahagi ng pagpapatupad ng MBHTE Financial Assistance to basic Education Public Schools, State Universities in Accredited Madrasah allotment class para sa Basic Education.


Bukod sa financial assistance, hinandogan din ang Lamitan City SDO ng 1,176 armchairs, 700 android tablets, at laptops at reference materials para sa Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) teachers.


Ang Basilan SDO ay hinandogan ng riso machine at printer, 800 android tablets, at 174 archmairs bukod pa sa dagdag na 1,800 na ihahatid ng tanggapan.


Nakatanggap din ang dalawang dibisyon ng mga teachers’ kits, 3 water dispenser, 2 uv lamp, 3 air purifier, 10 desktop computer, laptop, at printer, 200 electric fans, BARMM at Philippine flag, orasan at frame.


Binisita din ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang site ng bagong TESD Provincial Training Center na itatayo sa Basilan.


End

0 views0 comments

Recent Posts

See All