top of page

Flood Control Project, patuloy na isinasagawa ng Makabagong Maguindanao Government

Kate Dayawan | iNEWS | September 15, 2021


Cotabato City, Philippines - Patuloy lamang sa ginagawang paglilinis at pagpapalalim ng mga ilog na sakop ng lalawigan ang Provincial Government ng Maguindanao.


Ito ay bilang pagtugon sa hinaing ng mga mamamayan na mabawasan na ang pagbaha sa mga mabababang lugar sa lalawigan.


Nililinis pa rin sa ngayon ang Butalo River ng Datu Salibo hanggang sa Balanaken River ng Datu Piang at sa bungad ng Rio Grande De Mindanao.


Ang hakbang na ito ay sa tulong at inisyatibo ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Sultan Kudarat Governor Suharto Teng Mangudadatu.


Samantala,


Araw ng Martes, September 14, nang ipamahagi ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao Government ang mga tulong mula sa Office of the Civil Defense – BARMM.


Ang tulong na ito ay laan para sa dalawang pamilya sa bayan ng Gen. Salipada K. Pendatun na nasira ang bahay dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig at pagtubo ng mga water hyacinth sa lugar dahil sa sunod-sunod na pagbuhos ng malalakas na ulan.


Kabilang sa mga ipinamahagi ay ang dalawang balde, food items at Jerry cans o lalagyanan ng tubig.




Photo by: Agila ng Maguindanao

8 views
bottom of page