top of page

FREE RANGE CHICKEN


Photo Courtesy: MAFAR BARMM

24 KOOPERATIBA SA MAGUINDANAO DEL NORTE AT MAGUINDANAO DEL SUR, PINAGKALOOBAN NG MAFAR NG 1,200 FREE RANGE CHICKEN


Bangsamoro Autonomous Region - Pinagkalooban ng MAFAR BARMM ng free range chicken ang dalawampu’t apat na mga kooperatiba sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Bahagi ng pagsusulong ng sustainable livelihood sa rehiyon, pinagkalooban ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ng 1,200 na free-range native chicken ang dalawamput apat na mga kooperatiba sa Buldon, Upi, Datu Blah Sinsuat, Sultan Kudarat, Datu Montawal, Barira, Datu Odin Sinsuat, Mamasapano, Guindulungan, Datu Paglas, Datu Anggal, Datu Paglas, Datu Salibo, at Datu Abdullah Sangki.


Isinagawa ang distribusyon sa Simuay Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, at Guindulungan, Maguindanao del Sur mula a dies hanggang a onse ng Mayo.


Ang pondo na inilaan dito ay mula sa GAAB 2022 na nakatutok sa self-sufficiency, economic empowerment, and environmental stewardship.


Bukod sa manok, pinagkalooban din ng vitamins ang mga manok at nagsagawa ng orientation ang ahensiya hinggil sa epektibong stratehiya sa pag-aalaga ng manok.

4 views0 comments