top of page

FUEL SUBSIDY PARA SA MGA JEEPNEY DRIVERS, INILUNSAD NA!

Joy Fernandez | iNEWS | November 25, 2021


Cotabato City, Philippines - Matapos ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo kamakailan...


Inilunsad na nitong araw ng miyerkules ang fuel subsidy program ng Pamahalaan para sa isandaan at tatlumput anim na raang PUJ kung saan makakatanggap ang bawat isa ng tig-P7,200.


Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, hindi pwedeng i-withdraw ang halaga para sa ibang bagay dahil tanging sa pagpapagasulina lamang ito laan.


Dagdag ng LTFRB, na sa mga gasoline station lamang tulad ng Petron, Shell, Seaoil, Total, Ketti Petroleum, Rephil, Caltex, Petro Gazz at Unioil pwedeng magamit ang subsiby.


Ngayon ay nasa 73,000 na mga benepisyaryo na ang nakatanggap ng subsidy sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada Program card.

7 views
bottom of page