FULL DISCLOSURE POLICY

Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government
Isinagawa ng Ministry of the Interior and Local Government ang regional rollout
orientation hinggil sa Full Disclosure Policy ng DILG
Isinailalim ng Ministry of the Interior and Local Government sa dalawang araw na orientation hinggil sa Full Disclosure Policy Portal Version 3 ang mga focal person, alternate focal person, at technical staff mula sa provincial offices ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi, at Cotabato City Field Office.
Muling iginiit ng tanggapan ang kahalagahan ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Inilatag ni Nimfa Francia, ang DILG National resource speaker, at FDP Focal Person, ang direktiba ng DILG directive kaugnay sa implementasyon ng pag-upload ng file sa Portal Versions 2 and 3.
Iprenisinta rin nito ang FDPP V.3 Implementation Guidelines at FDP Templates.
Ang Full Disclosure Policy na ipinag-uutos sa ilalim ng DILG Memorandum Circular No. 2010-083, ay nagre-require sa lahat ng local governments ng paglalahad ng tiyak na financial documents sa mga constituents, tulad ng pondo at kung paano at saan ito gamitin para maiwasan ang korapsyon at hindi tamang paggamit ng pera.